March 28, 2010 bumili ako ng ipod touch sa isang buy and sell website gaya ng sulit pero syempre hindi ditto yun. Brandnew pa naman ang ipod na binili ko nun, di ko akalain maiiscam ako. Frederick Mariano ang pangalan ng seller a.k.a digitalseller sa kinabibilangan naming site. Ang method of payment ay thru bank, bayad muna bago ipadeliver ang item. Binigay nya ang buong detalye nya para maipadal ko na ang payment ko, tiwala ako kasi naisip ko nasa akin naman ang detalye nya kaya pinadala ko na at sobrang gusto ko talaga ng ipod touch. Sabi nya kinabukasan pa raw nya maipadala ang item dahil kinabukasan pa raw ang pasok ng pera sabangko nya so sabi ko “okay sige po nasa akin naman yung deposit slip na nakapangalan sa inyo pwede ko rin poi to ipascan”. Ang sabi nya sige ipascan ko raw para mas matibay ang proof at pag nagbigay sya ng feedback sakin ipaste nya daw yun, ginawa ko naman.
Kinabukasan nagantay ako, sabi ko “sir pakicheck na po account mo, mga what time po kaya ninyo maipadala yung item?” Ang sabi nya “mga 1pm po thru LBC mga 1:30 ko maipadala sayo yung tracking code”. Nagantay ako hanggang 1:30 pm tinext ko sya before 1:30 tinanong ko sya kung naipadala nab a nya, wala ako natanggap na response nya kaya medyo kinabahan na ko. Naghintay parin ako hanggang sa mag 2 pm na pero wala parin, tinetext ko na sya ng napakarami at maya maya pa din a ko nakatiis tinawagan ko na, nung una nagriring pa pero di nya sinasagot. Pagkaraan ng ilang tawag ko maya maya pa ay patay na ang cp nya.
Sobrang nanlumo ako sa nangyari, maghapon ang lumipas nang wala manlang ako natanggap na text nya o tawag. Pagtingin ko sa account nya sa site na kinabibilangan namin wala na, inactive na ang account nya. Sa medaling salita, naglaho ng parang bula ang kulang kulang 11,000 ko. Ang sakit sa kalooban kasi pinaghirapan ko yun. Wala ako magawa undi ipasa Diyos sya.
May 2010, nagpost ako sa sulit na buying ako ng ipod touch ulit. Nagipon kasi ako ulit para makabili. Pagkaraan ng ilan araw may nagtext sa akin at tinanong nya kung buying parin ako ng kaya sinagot ko kaagad. Tinanong ko username nya sa sulit hindi raw sya member supplier lang daw sya. Sabi ko punta ako sa shop nya nalang, sabi nya taga cavite sya. Napaisip ako kasi yung Frederick Mariano na nanloko sakin ay taga cavite rin. Medyo kinutuban ako, sinubukan ko dahil baka sakali sya rin yun. Sabi ko sige okay sakin ang shipping at paano ang bayad ko. Binigay nya yung banko nya at pangalan nya at ayun! Jackpot, sya nga ulit. Naging mautak ako kaya tinanong ko sya “sir ano po exact address mo para sa western union ko nalang po ipadala para matanggap nyo po agad at maipadala nyo na agad yung item. Ang tagal nya magreply at pinipilit nya bank nalang daw. Sabi ko kung ayaw nyo okay lang wag nalang po kasi pangreregalo ko yan kaya asap kailangan. Wala sya nagawa desperado na siguro kaya pumayag na ata ayun binigay na nya taga Carmona Cavite sya. Di na ko nagreply, agad agad pumunta na kami ng kaibigan ko sa Cavite kahit malayo basta makaharap ko lang itong scammer na ito. Personaly nakilala ko sya may tatlo syang anak. Wala talaga silang supply ng gadgets, inakyat ko sa korte ito para maigyan ng aksyon at ng din a maulit pa. Pero nakiusap ang asawa nya na wag na, naawa ako sa asawa nya na halata ko na gulat na gulat sa pinaggagagawa ng asawang scammer. Alam ko na malaki laban ko pero di ko na tinuloy ang kaso ang sakin nalang ay mabayaran ang perang nawala sakin. Binalik ng asawa nya yung pera kasama danyos perwisyo.
Sobrang nagpapasalamat ako dahil sa sulit.com.ph naibalik ang perang nawala sakin. Naiscam ako sa ibang site at sulit ang tumulong sakin para mahuli ito. Babala ito sa mga scammer, di lahat ng pagkakataon swerte kayo, mahuhuli at mahuhuli rin kayo!